Lingua Poetica

my freeverse poetry collection… It can get really corny and cheesy. But this is my rehab porgram for being addicted to the sins of life (grabehan naman)

dame nito kaso nawala ko hard copy ng sebastino, kaya sinuman merun nun pahiram naman…. sayang mga nawala ko na works :P

SA HENERASYUNG HINULMA NG DEKADA NOVENTA.

(isipin mo boses at angas ni Robin Padilla ang nagsasabi nito sa iyo)

pikit mo ang mga mata mo…
huminga ka ng malalim…
o ano kalmado ka na?
sige dumilat ka.

ayan.
ayan sa harapan mo ang buhay mo.
parang kandilang nauupos.
unti unting natatapos sa bawat minutong lumilipas.

kita mo ba?
ako kita ko.
kita ko ang kakayanan.
kita ko ang pagwawaldas.

Putang inang yan.
Isang henerasyon ng mga call center representatives,
OfW wannabes, Nursing Students at mga de kurbatang alila,
sa mga insitusyon ng Libis, Ortigas at Ayala.

sa dyaryo ng tatay mo. sa radyo mo sa kotse,
sa taxi, fx o dyip na sinasakyan mo…
sa telebisyun sa sala ng magulang mo o sa kuwarto mo…
pati sa cellfone mo…

Leche na yan.
Isang henerasyong binulag nga magagarang
mga commercial…

na hinihikayat ka….

magkaroon ng modelong sasakyan.
usong damit na sinusuot ng mga aRtista sa t.v.
para maging “in” ka.

masaya ka ba sa trabaho mo? kontento ka ba?

hindi ka lang pala bulag. singungaling ka pa.

pumapasok ka sa trabahong kinasusuklaman mo para may pambili..
pambili sa mga tae-nang gamit na di mo naman talAga kailangan.
bagong cellfone, mataas na pixel na digicam,
kumikinang na mp4 at kung anu anu pang gamit na hi end.

Kawawang henerasyon. Andito na ang lahat…

…pero kulang parin.

Paano kasi…
kahalintulad natin ang gitnang anak,
sa isang pamilyang may tatlong supling,
Tayo ang gitnang anak ng panahon.

Isang Henerasyon na…

Walang pinaglulugaran.
Walang ipinaglalaban.

mga lolo’t lola natin? maging matibay sa panahon ng giyera.
mga ama’t ina natin? maging boses ng kalayaan sa panahon ng diktadura
mga tiyuhin at tiyahin natin? makasabay sa pag agos ng bagong panahon

wala tayung matinding giyera.
wala tayung matinding kalungkutan dahil sa
pangungunila sa kalayaan at kasiyahan.
at wala na tayung sasabayan na agos.
dahil eto na ang makabagong panahon.

Ang matinding giyera natin ay nasa ating puso’t kaluluwa
Ang matinding kalungkutan ay ang ating mga sariling buhay.

pinalaki tayo sa harap channel two at channel seven.
pinaniwala tayo na balang araw …
magiging kasing yaman din natin si lucio tan at henry sy…
maging artista tulad ni vic sotto at kris aquino …
maging rock star tulad ng Parokya at si Bamboo …

pero di naman tayo magiging ganun.

o huwag mong ipikit ang mata mo…
sige idilat mo… ayan…

putang ka ina naman eh…

Dilat ka nga pero nasa dilim ka parin.

Demorol for my heart

another day at the office is it’s end…

it’s time to go home…

….

long hours of being alone…

should i go home? should my glum spirit pretend?

that i wouldnt see you grinning face…

that i wouldnt hear your tangy voice….

that i wouldnt touch you real skin…

that you

you would be there.

but your not…

and we can never make amends.

work busies me…

it takes my mind

shakes it silly

and my mind hangs

and my brain lags

and my teeth chatters

work is demorol for my heart

when corporate life ends….

pain is there once again…

hoorah for the sad farewell….

hoorah for the infinite goodbyes…

at least now i have time to write …

the only way tp forget that you broke my heart

and wasted my smiles…

What Lengthens My MORROW

uy…

kaw naman… sinopresa mo ako… bakit hindi mo naman sinabi…

nakakagulat ka naman…

akalain mo hindi na pala tayo….

parang suprise birthday party ang dating… shock talaga ako…

kaya pala…. hindi ka na pumupunta sa bahay, akala ko traffic lang lagi

kaya pala…. hindi ka na nagpaparamdam sa cellphone, akala ko na misplace mo yung numbr ko

kaya pala…. tanung sa akin ng lahat ng kamag anak mo bakit anung nangyari sa inyo, akala ko lang , masama silang magbiro

kaya pala…. ni halik wala na tayo, akala ko naging conservative ka na bigla..

kaya pala…. sa akin ayaw mo na sumiping, akala ko nag bibirth control lang tayo

pero bakit ganun…. huling usap pa natin ang tanung ko sau….

mahal mo pa ba ako?

ang iyong tugon…. Oo naman mahal pa naman…

ang dali naman mag bago…… ang daling maglaho…..

sana nakapaghintay ka…. palipad na ako…..

hindi na ako natutulog lagi

may trabaho na ulit ako

hindi na ako mahilig kumolekta ng chikinini

hindi na ako lagalag sa gabi

may tiwala na ulit ako sa aking sarili

nagsusulat na naman ako

kinakausap ko na naman ang typewriter ko

ngunit ang mga mata ko’y nahihirapan na sa pag-ngiti

wala ka na kasi sa aking tabi…

masaya ka na sa piling ng iba at ako andito kada gabi kasama ay iba…

paalam at salamat!

tapos na talaga siguro…

gusto kong magalit sa iyo… pero mahal pa rin kita kahit papano.

Jim’s Cosmic Movie

i am the devil

i will take you on a long and evil ride

we are all on a cosmic movie

the day we die we gotta watch our whole life

recurring eternally…. forever

so we have to have something happening in our lives

and a fitting climax

We had some good time… those good little times

they are absoutely and positively… under the ground

as long as i breathe…

the death of rock is the death of me

the death of rock is the death of me

out here i long for stoned immaculate

out here i long for some stone immaculate

can you give me sanctuary?

i must find a place to hide

a place to hide…..

we are all on a cosmic movie

the day we die we gotta watched our whole life

recurring eternally…. forever

so we have to have something happening in our lives

and a fitting climax

i tell you this…. i dont know what’s gonna happen

but i gotta go before the whole shit house goes to flames

Huwag Mo Akong Ibigin Ng Habambuhay

*didnt write this… hope i did hehehe… hail gary granada man

huwag kang mangako ng kailanpaman
at baka di ko mapapantayan
huwag kang mangako ng habambuhay
at baka di mo ako mahintay

huwag kang mangusap ng kailanpaman
kahit magdusa at ‘di maipasan
di kailangan matinik na landas
upang patunayan pagsuyo ay wagas

sana nga bukas tulad ngayon
ang ating pagsasama
sana paglipas ng panahon
di ka magiiba

ngunit wag mong sabihin ang
kailanpaman
tama na sa akin ibigin minsan
huwag mong sabihing gaano katagal
tama na ang gaano mo ako kamahal

sana nga bukas tulad ngayon
ang ating pagsasama
sana paglipas ng panahon
di ka magiiba

ngunit wag kang mangako ng kailanpaman
at baka di ko matutumbasan
at kung ang ating landas magsanga
malayang damdamin ang magpapasya

2 Responses to Lingua Poetica

  1. sweet says:

    i have an extra copy of SEBASTINO folio dude. it was meant to be! See you when i see you, ayt? ^_^

  2. mc says:

    galing!hndi pala sobra galing..hehehehe iloveyou dadiko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s